Pambansang Proyekto Sa Lalawigan ng Pilipinas





   Ang maayos na daanan ay mahalaga sa atin,kung walang maayos na daanan natin ay hindi tayo makakapunta sa ating paroroonan. Halimbawa ang daanan natin ay isang sapa lamang,pag tayo lalakad sa sapa at tatawid ay bakasakaling tayo magkakaroon ng sakit o may mangyari hindi mabuti satin. Kunwari tulad ng isang matanda o ng galing sa isang trabaho pagod na pagod. Kaya tayong mga naninirahan sa lungsod ng koronadal o saan man na lungsod ay inaasahan natin na maging maayos ang sirang daanan.
"Nasirang tulay"


   Lahat naman tayo ay naghahangad ng maayos na daanan. At napapasalamat tayo dahil ayon sa balita na may gagawing proyekto pang-imprastraktura ang ipinapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato sa nakalipas na taon. Nagkakahalaga ng P817,126,975.75 at kinabibilangan ito ng 169 na mga proyekto,kung saan ang 122 ay nakompleto bago nagtapos ang taon samantalang 57 ang kasalukuyang ipinagpapatuloy,ayon kay Provincial Engineer Marnil Aperocho.Sa naturang bilang ng proyektong pang imprastratura 80 ang mga gusali,18 ang drainage,line canal at flood control,14 ang kalsada at 8 an patubig,6 na box culvert at 6 na tulay. Pinakamalaki sa mga proyekto kalsada ang P78-M pagsesemento ng Banga-Lamba-Lamian farm-to-market road sa Barangay Cabuling,San Jose at Lamian sa bayan ng Banga na inaasahang matatapos sa oktubre,2017 at ang 48-M Junction National Highway Guinsang-an-Norala farm-to-market road sa bayan ng Norala ng matatapos naman sa Agosto,2017. Ang dalawang malaking FMR Proyekto at pinondohan ng KALSADA program ng Department of the Interior ang Local Government(DILG)

"Inaayos na daanan"
"Maayos na daan at sirang daanan"

   Kami ay umaasa na dapat magkaroon tayo ng magandang daan,dahil ito ang natatangi nating problema sa ating bansa,a inaasahan rin naming na magkakaroon pa tayo ng ibat-ibang proyekto na makaka pag paunlad sa ating bansa,na makakahikayat sa ibat-ibang mga dayuhan na bumisita dito. At hindi solusyon ang sirain ang ating kapaligiran  dahil sa ating kasiyahan lamang,sa halip ay pahalagahan ang binibgay sa atin at wag lamang aabusuhin ang biyayang binigay sa atin.


Nai-post:ExoticsAssociation
Myembro:Ellen Belinario
                 Dianne Christen Bago
                 Erwin Villagracia
                 Jeckie Vem Elentorio
                 Kevin Dave Davis
                 Memilyn Gucor
                 Jelly Rose Bebose
                 Rey Macalisang


Mga Komento